[Guilty] pleasures

Tuesday, July 01, 2008

Mga gawain, katangian na sumasagisag sa pagka-ewan ko...

Pag init na init na ko, binubuksan ko yung freezer namin at tinatapat ko ang mukha ko dun. Refreshing. Wag kayong magalala, tinitiyak kong malinis ang ref pag ginagawa ko to.

Mahilig talaga kong kumain ng nakataas ang paa. Minsan kahit nasa restaurant, kahit magara pa yan, ayduunnkerrrr. Minsan pati sa clasroom habang nagdidiscuss, ginagawa ko rin yan. Imagine na lang pag nandito lang ako sa bahay, petiks galore!

Paborito ko ang kumain sa gabi. Mga tipong magaalas-dose. Hindi ko alam kung may sayad na yung sikmura ko pero pag ganyang oras lagi akong tinatamaan ng gutom. Syempre, dahil tulog na ang mga tao nyan dito sa bahay at wala na kong mauutusan (tamad ako, anu ba), peyborit ko yung sardinas na Zaragoza together with itlog na pula, sinangag ng mama ko at! Knorr Calamansi seasoning :)) Pag walang ganyan, ok na ko sa pansit canton. Pang tawid gutom lang bago matulog.

Pag nasa skul ako nakakalimutan kong kumain. Minsan naman talagang tinatamad lang ako lumakbay sa kung saan dahil saksakan ng init! Pakiramdam ko pinaplantsa yung damit ko habang naglalakad ako. Kaya lagi akong may dalang tubig or kahit ano basta pwedeng laklakin. Gatorade at kape lang pala. Forever karamay ko yang dalawa na yan.

Mahilig akong mag dispose ng gamit kapag nabahiran na ng masamang kagangapan. Pramis. Kahit cellphone pinapalitan ko. Basta pag uusad, usad. Tanggalin lahat ng bakas ng nakaraan. Ganun ka-simple.

Gusto ko ng POPS! Kahapon pa!

Pasaway ako na hindi sinasadya. Hindi ako proud dyan pero yun ako.



Yun lang. Wag na natin ibuko lahat ng ka-weirduhan ko. Baka mawalan ako ng kaibigan :D

Basahin mo nang sumakit ang ulo mo

Sunday, June 29, 2008

Ano nga ba ang batayan ng pagiging totoong tao. Ano ba talagang ibig sabihin pag sinabing "ayaw ko sa plastik na tao"? Lahat naman tayo may totoong balat at totoong atay. Plastik ka ba kapag nagkukunwari kang natatawa sa joke ng klasmeyt mo para lang hindi siya mapahiya? Plastik ka ba kapag sinusunod mo yung pinapagawa ng magulang mo kahit ayaw mo? Plastik ka ba kapag minsan gusto mo ng Jollibee pero sasama ka sa barkada sa Alex III dahil lang gusto mo silang makasama? Plastik ka ba kapag gustong gusto mo manapak pag galit pero pinipigilan mo dahil syempre, ayaw mo makapatay? Plastik ka ba pag wala kang maipakitang emosyon? Plastik ka ba pag pinipigilan mo magsalita ng kahit ano na maaring ikasakit ng kapwa mo? Plastik ka ba pag sumusunod ka kay Teacher? Plastik ka ba pag nasasaktan ka na pero pinipilit mong labanan?

Hindi ba minsan, pakikisama ang tawag dun? Minsan kailangan makibagay, makisama. kaplastikan ba yun?

Kung isa akong taong sagigilid at sa kubo nakatira, pero ang alam ng mundo mayaman pa ko kay Arroyo, hindi plastik ang tawag dun. Sinungaling. DAKILANG sinungaling.

Ano naman ang batayan ng pagiging totoong tao? Pag hindi ka bumilibili sa ukay-ukay dahil can afford mo naman sila Dolce, LV at Prada? Totoong tao ka ba pag suot mo ang mahiwagang tsinelas ng Ipanema? Totoong tao ka ba pag ang iniinom mo ay ang kape ng Starbucks, Gloria Jeans at Coffee Bean? Totoong tao ka ba pag hawak mo ang pinakamahal na tatak ng cellphone at laptop? Totoong tao ka ba pag nakatira ka sa mansion na sa sobrang gara hindi na sumasayad sa lupa?

Napaisip lang ako. Limpak-limpak ang nagbibitaw ng salita na ayaw nila (kasama na ko dun) sa PLASTIK, gusto nila totoong tao. Eh diba ang pinakasikat na replika ng plastik na tao eh, manekin?

Alam ko ba sinasabi ko? O nagiilusyon lang ako?

ZERO SHMEEERO

Saturday, June 28, 2008



Because we need to be reminded of the fact that we are indeed human.

I try to be understanding. I try to be discreet. I try to be innately good most of the times. Not because heaven requires me to do so, but because sometimes it actually feels good to do that random act of kindness jamboree. I wear no halo, no concealed wings at my back either. But there's this evil in me I struggle to veil every once in a while. I do not like saying things when I'm in rage, it brings further complication and regret. Tonight though, that slipped.

No bangenges. No alcohol. Just pizza, nachos, and a glass full banana shake. It was all I needed to boost my morale and step up for that one tiny thing I've been trying to reach since He knows when. There's a time for everything. And tonight, I decided to rest and have a full blown sleep. Just like that of tuesday. I'm throwing that caution to planet Q. Now I move on to a brighter side of life.

Too much of something is bad enough.

Spice Girls pa ba ang magsasabi sayo?

Blog it this way

Wednesday, June 25, 2008